In A Relationship
This blog is all about relationships whether it's complicated or not. Handled by a person who's not really expert on relationships pero may say sa mga observations. Chos!
Ask me anything
Archive
RSS feed
Theme by Stijn
May 10th
4:57 AM

Anonymous asked:


Hi Ate. Any ideas paano mo sasagutin 'yung manliligaw mo? Parang ang waley naman kung bigla ko lang sasabihin na.. "Sige, Tayo na!" dba? 'Yung medyo may konting effort man lang. :)) Ayokong gawin 'yung parang commercial ng Fita eh. Baka hindi dn nya magets 'yung OO. XD

Sorry ha pero kase hindi ako fan ng mga creative na pagsagot ng oo kase diba dapat ang lalake ang gagawa ng effort sa pagpropose, etc. Siguro bigyan mo siya ng gift… or ng isang box na may cake na may YES. Something like that. Yun na lang naisip ko. Hehe

May 4th
2:19 AM

Anonymous asked:


2 taon na kami ng bf ko. Seryoso kami sa isat isa to the point he moved down here in North Carolina. He used to live with his parents in virginia. Last month, kumuha sya ng apartment 10 mins drive sa bahay ko. Pero ang problema, parehas ng magulang namin alam na iba ang relihiyon namin. Ako ay Catholic at sya ay Iglesia. Lagi namin napapagusapan kung anu ggwin kung sakaling tanungin kmi ng mga magulang nmin. Parehas namin di alam ang dapat gawin. Dapat naba kami maghiwalay?

Hindi dahilan ang relihiyon para maghiwalay. Nasa inyo naman yan kung gusto niyo pa ituloy eh. Kung mahal niyo talaga ang isa’t isa, hindi hadlang ang mga paniniwala. Pero most likely, isa sa inyo magpapaconvert in the future. Learn how to respect each others’ values and beliefs lang ang peg.

February 29th
11:52 PM

Anonymous asked:


ano ang ibig sabihin pag sinabihan ka ng kaibigan mo ng pusong bato

Ibig sabihin nun, manhid ka!

February 23rd
2:27 AM

Anonymous asked:


anong ibig sabihin pag sinabi ng isang lalaki na hindi siya sigurado sa feelings niya para sa'yo?

Hindi siya seryo sayo. Wag mo na lang siyang pag-aksayahan ng panahon.

February 19th
10:02 PM

Anonymous asked:


HOW WILL YOU KNOW IF YOUR FRIEND IS INLOVE WITH YOU

Katulad nga ng sabi ko sayo, wag magassume unless you hear it from him/her.

10:01 PM

Anonymous asked:


PAANO MO MALALAMAN KUN G PAG-IBIG NA PALA ANG NARARAMDAMAN NG ISANG LALAKI

Malalaman mo kung sasabihin niya sayo. Mahirap yun mga hints lang. Wag maging assumera! Masmasasaktan ka dun. So hayaan mo siya na siya mismo ang magsabi sayo.

February 18th
7:46 PM

Anonymous asked:


paano q po malalaman qng seryoso po ang boyfriend q sa akin

Pag hindi po siya nagjojoke. Lol!! Try mo siyang iharap sa magulang mo. Pero srsly, ikaw lang naman makakaramdam niyan e. kung nakikita mo naman na todo A for effort siya, baka seryoso siya…

February 2nd
10:16 PM

Anonymous asked:


paano ba sagutin ang isang lalaki na mahal mo???

Sabihin mo lang, let’s get it on!! Haha! Joke lang. Walang tama o maling sagot sa tanong mo. Kung ano yun feel mong sabihin, gowwww.

10:15 PM

Anonymous asked:


paano po kung yung trust mo sa isang taong mahal mo nawala na, magwowork pa ba ang isang relasyon?

Kung kaya niyang ibalik yun trust, pwede pang magwork. Pero kung hindi na, malabo nang maayos pa ito.

January 11th
4:59 AM

Babala: Ang blog na ito ay hindi online portal ng Xerex sa tabloid.

Please lang. Wag niyo akong tanungin ng patungkol sa inyong mga makamundong pagnanasa!

Nakakaloka!